Ang Aklan ay isang lalawigan ng Pilipinas na matatagpuan sa Rehiyon ng Kanlurang Visayas. Kalibo ang kabisera nito. Matatagpuan sa Hilagang Kanlurang bahagi ng Panay ang lalawigan. Ang hangganan nito ay umaabot sa lalawigan ng Antique sa Kanluran at Capiz sa Timog Silangan. Matatagpuan sa Hilaga nito ang dagat Sibuyan at ang lalawigan ng Romblon. Kultura
Kahit na laganap na ang Kristiyanismo, ang paniniwala ng mga Aklanon sa mga aswang at mga babaylan ay laganap pa rin sa mga tao. Kinatatakutan pa rin ang kulam ng maraming tao dito.
Mga Pagdiriwang
Kilala ang lalawigan sa taunang Ati-Atihan Festival sa Kalibo, na kadalasang ginaganap tuwing ikatlong linggo ng Enero. Ang pagdiriwang ay isang pista para kay Santo Nino o ang Batang Hesus, at sinasabi ring nagpapaalala sa pag dating ng mga Kastila at ang pagdating din ng relihiyong Katoliko.
|
Lunes, Marso 24, 2014
Kasaysayan
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Ganda naman talaga sa Aklan.Makapag-trave nga jan minsan.sakit.info
TumugonBurahin